anu-ano ang mga kagamitan sa pagtatanim ng halamang ornamental?
anu ano ang mga kagamitangsa pagtatanim ng halamang ornamental?
Answer:
Mga Karaniwang Kagamitan at Kasangkapan sa Paghahalaman
Asarol – Pambungkal ng lupa.
Piko – Panghukay ng matigas na lupa.
Kalaykay – Ginagamit sa pagpapantay ng lupa at paghihiwalay ng bato sa lupa.
Tinidor – Pandurog ng malalaking kimpal ng lupa.
Trowel – Ginagamit sa paglilipat ng punla, pagpapaluwag ng lupa at pagtatabon sa puno.
Itak – Pamutol sa mga sanga at puno ng malalaking halaman.
Bareta – Ginagamit sa paghuhukay ng malalaking bato at tuod ng kahoy.
Karet – Pamputol ng mataas na damo.
Palakol – Pamputol ng mlalaking kahoy.
Pala – Ginagamit sa paglilipat ng lupa
Regadera – Ginagamit na pandilig sa mga halaman.
Timba – Panghakot ng tubig na pandilig
Kartilya – Lalagyan at panghakot ng lupa at kagamitan.
Kahong Kahoy – Lalagyan at panghakot ng lupa.
Dulos – Pantanggal ng damo sa halamanan at pampaluwag sa lupa