Anu Ang Alamat Ng Mindoro​

Anu Ang alamat ng mindoro​

 

ANG ALAMAT NG MINDORO

Ang Mindoro ay mula sa salitang kastilang “mina de oro; na ang ibig sabihin ay mina ng ginto. Bagaman and pulong ito ay hindi nagtataglay ng ginto, itinuturing itong minahan dahil sa angking likas na yaman.narito ang alamat tungkol sa isla ng Mindoro na matatagpuan sa katimugang Luzon.Noong unang panahon ay walang pangalan ang iba·t ibang lugar sa kapuluaan ng Pilipinas. Karaniwang itinuturo lamang ang isang lugar sa pamamagitan ng; sa kabilang ibayo, sa paanan ng bundok, sa kabilang pulo, at iba pa.Sa isang malayong pulo ay may nakatirang mag-asawa na ang  pangalan ay Mina at Doro. Sila ay may malaking tahanan sa may  pampang ng ilog. Marami silang alagang hayop. mayroon din silang malawak na palayan. Masasabing nakaaangat sa pamumuhay ang mag-asawa. Ngunit ang nakahihigit na katangian ng mag-asawang ito ay ang kanilang kabutihan. Sinuman ang nangangailangan ay kanilang tinutulungan.Bukod sa mag-asawa ay may isa pang naninirahan sa pulo. Tulad nila, pawang mayayaman ang mga ito at naglalakihan ang mga bahay.Ngunit kaiba kina Mina at Doro, ang mga kapitbahay nila ay pawang makasarili. Wala silang panahon upang tumulong sa kanilang kapwa dahil para sa kanila ay isang kaabalahan ang pagtulong sa anak- dalitang kababayan.Minsan ay naiisip ni Bathala na subukin ang taong naninirahan sa  pulong iyon. Bumamaba siya sa langit at nag-anyong pulubi.Kumatok si Bathala sa tahanan nina Mina at Doro. “palimos po”, ang kanyang wika. ” Ako·y nagugutom”.”Pumasok na po kayo,” ang wika ng mag-asawa at kaagad itong hinainan ng makakain.Nasiyahan si Bathala. Kinain niya ang mga pagkain sa hapag-kainan.Natutuwang pinananood siya ng mag-asawa habang kumakain ngunit nagtaka ang mga ito nang mapansing habang patuloy na kumakain ang matanda ay tila hindi nababawasan ang pagkain sa hapag.Matapos kumain ay nagpakilala si Bathala. “Kapuri-puri kayong mag- asawa. Humiling kayo at ito ay aking ipagkakaloob.” Nagpasalamat ang mag-asawa. “Ang tangi po naming kahilingan ay  pagsamahin kaming mag-asawa hanggang kamatayan, “ang wika nina Mina at Doro.Sumunod ay nagtuloy si Bathala sa mga katabing bahay. Siya ay kumatok “tao po,” ang kanyang tawag, “palimos po”.A” Alis diyan, alis, “pabulyaw na sigaw ng maybahay.”Sulong! Hampas-lupa! Layas!” ang sabi naman ng iba.Bukod kina Mina at Doro ay wala nang nagpatuloy pa sa matandang  pulubi. sa ganotoy nagalit si Bathala. Noon din ay kumulog at kumidlat nang malakas. Tinamaan ng kidlat ang mga kabahayan at mga  punungkahoy. natakot ang mga tao at hindi malaman ang gagawin.Tanging ang tahanan nina Mina at Doro ang nakaligtas.makaraan ang ilang sandaling pag-unos ay muling tumahimik ang pulo.Nagbalik sa mag-asawa si Bathala at nagwika. ” Mula ngayon ay magkakaroon ng saganang likas na yaman sa pook na ito. At mula rin ngayon ay tatawagin ang pulong ito ng Mindoro bilang alaala ng inyong pangalang Mina at Doro.

See also  Ang Hustisya Ba At Ang Karapatan Ay Iisa??

Anu Ang Alamat Ng Mindoro​

mindoro alamat salitang mellec

Ang alamat ng mindoro. Ang alamat ng. Mga alamat ng pilipino

isangmakatangpinay: Ang Alamat ng Alagaw

alamat

Isangmakatangpinay: ang alamat ng alagaw. Tagpuan sa alamat ng mindanao. Pagyamanin suriin ang mga larawan. ano ang ipinahihiwatig ng mga ito

Ang Alamat Ng Mindoro - kulturaupice

Alamat tungkol sa isang bagay na makikita iyong kapaligiran gumamit ng. Pin on yeahhhh. Kultura mindoro ng oriental